Saturday, March 26, 2011

Umaasa

Sa bawat paglipas ng oras ikaw ang inaalala ko
Sa bawat pag uwi, laging kabado
Inaamin kong nagkulang ako
Hindi akalaing magkakaganito.

Pursigido man ako, may pagkatamad din inaamin ko
Tatanggapin ko kahit na anong grado
Wag lamang sinko.



N

angangamba talaga ako kung papasa o babagsak sa sa isa subject na Anal. Chem.chemistry ng pwet o Analytical Chemistry. Binigay ko naman ang aking makakaya sa pinaka relax na paraan. Marami sa aming magkakaklase ang nanganganib dito. Dahil dito nagiging makata ako. Iniisip ko nalang kung anong magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag bumagsak ako. Maisip ko palang, hindi ko na kaya. San kaya ang bagsak ko nito? Sa palayan? Sa palaisdaan? Sa kabundukan bilang ermitanyo? masyado pa akong bata para maging ermitanyo. Hindi pa naman huli ang lahat, may next sem pa.o baka wala na.


Siguro panahon na para magbago, magseryoso at magsipag sa pag aaral. Magsisilbi itong babala para sa akin. At para naman sa mga nakakabasa nito na mag-aaral o estudyante, wag kayong tatamarin at pagbutihin ninyo ang pag-aaral dahil magsisisi kayo sa kalagitnaan.


kuya Ian kung nababasa mo to wag mong sasabihin kila Mama dahil hindi pa naman sigurado na bagsak ako eh.

Umaasa nalang ako sa mga talang lumilipad....
Tsk Tsk Tsk ganyan talaga ang buhay ang hirap talaga ng responsibilidad ng maging isang... (.......)

1 comment:

emotero said...

Nyak! Teng! :D at naka PS pa talaga ako.Hahah. O sya sige, hindi ko sasabihin. Hehe. Pero lagot ka! :D
good luck na lang bro. Pokus ka na kase, wag ng tamarin, alamin ang mga priorities. (naks, galing mag advice.Haha)
wag ka na gagaya saken! Ayokong maranasan mo yung naranasan ko, baka di mo kayanin. Kaya magdasal ka na lang na sana pumasa ka.Hahah. Alamin mu kung may removal/remedial tapos paghandaan mo. Alam mo, naiinggit ako sayo, siguro kung ako yung nabigyan ng opportunity tulad ng sayo, e nagseryoso ako sa pag aaral. Hahah. Wag mong sayangin. Ok?