Saturday, March 26, 2011

Umaasa

Sa bawat paglipas ng oras ikaw ang inaalala ko
Sa bawat pag uwi, laging kabado
Inaamin kong nagkulang ako
Hindi akalaing magkakaganito.

Pursigido man ako, may pagkatamad din inaamin ko
Tatanggapin ko kahit na anong grado
Wag lamang sinko.



N

angangamba talaga ako kung papasa o babagsak sa sa isa subject na Anal. Chem.chemistry ng pwet o Analytical Chemistry. Binigay ko naman ang aking makakaya sa pinaka relax na paraan. Marami sa aming magkakaklase ang nanganganib dito. Dahil dito nagiging makata ako. Iniisip ko nalang kung anong magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag bumagsak ako. Maisip ko palang, hindi ko na kaya. San kaya ang bagsak ko nito? Sa palayan? Sa palaisdaan? Sa kabundukan bilang ermitanyo? masyado pa akong bata para maging ermitanyo. Hindi pa naman huli ang lahat, may next sem pa.o baka wala na.


Siguro panahon na para magbago, magseryoso at magsipag sa pag aaral. Magsisilbi itong babala para sa akin. At para naman sa mga nakakabasa nito na mag-aaral o estudyante, wag kayong tatamarin at pagbutihin ninyo ang pag-aaral dahil magsisisi kayo sa kalagitnaan.


kuya Ian kung nababasa mo to wag mong sasabihin kila Mama dahil hindi pa naman sigurado na bagsak ako eh.

Umaasa nalang ako sa mga talang lumilipad....
Tsk Tsk Tsk ganyan talaga ang buhay ang hirap talaga ng responsibilidad ng maging isang... (.......)

Friday, March 11, 2011

Blagger

         Dito lang pala ang bagsak ko tinraydor kasi ako ng hosting ng wp ko lintik na hosting yan bigla nalang nawala. Buti nalang wala pa akong naipopost dun. Hindi narin naman masama magblager, sabagay mas stable at siguradong hindi ako tatraydorin nitong host na to(sana nga). Dito ako magsisimula sa mundo ng blogging at sana masiyahan ako sa pagbablog.^_^